Wednesday, January 1, 2014

Happy New Year!!!

Posted by Angie girl :) at 9:00 PM 0 comments
Since it's already 2014, gagawin ko ng ritual ang pagba-blog :) well, last night ay prayer meeting and our Pastor Paul gave us the opportunity to thank God for everything that happened to us last 2013. ako habang nagkukwento ay malapit ng umiyak :)

Maraming bagay na dapat ipagpasalamat sa Diyos. Sa aking ministeryo, sa aking pag-ibig sa Panginoon, sa lahat ng kabiguan, kalungkutan at sakit na nagturo sa akin na mas maging matatag at magtiwala sa Diyos.

Salamat Lord dahil panibagong taon ang pinagkatiwala mo sa akin para makilala ka at makilala ka pa ng ibang tao. Mahal na mahal po kita :) Salamat po.

Love,
Angie <3

Wednesday, July 31, 2013

Posted by Angie girl :) at 9:26 PM 0 comments






Matagal na din pala akong hindi nakakapost. Hehehe Ano ba yan, kabago-bago pa lang ng blog, di pa ma-maintain. Hahaha :) Anyways, i'll just continue my testimony on my next post. Gusto ko lang kasing ibahagi ang isa sa pinaka-paborito kong verses sa bible: Sabi sa 1 Samuel 16:7, Man looks on the outward appearance, but the Lord looks on the heart. Amen?




Wednesday, June 19, 2013

God's grace :)

Posted by Angie girl :) at 1:55 AM 0 comments

So far, my first post :)

I just want to share to you guys, my testimony :)

Sa tuwing magpapatotoo ako sa simbahan, minsan naiisip ko na sana dati na lang akong adik o di kaya ay rebelde, para naman pag nagpatotoo ako kung paano binago ng Diyos ang buhay ko ay talagang mahahamon sila at mapapatunayan nila na nagbabago ng buhay ang Diyos at talagang buhay Siya.

*pause. Ang sarap ipagsigawan ng pag-ibig ng Diyos, naiiyak tuloy ako.*

I was 16 years old when i decided to commit and walk with God. Isang youth fellowship last May 2008 ang dinaluhan ko and at the end of the service, i finally decided. I told God, "Lord, tulungan mo po ako na lumakad kasama ka. Na maging Panginoon ka ng buhay ko." :) That was one of the happiest days in my life.

5 years na akong namumuhay bilang kristiyano. Alam ng lahat na hindi madali, lalo sa'kin na nag-iisang born-again christian sa pamilya. Nandiyan yung sarado na lahat ng pinto at gate at wala akong ibang magawa kundi mag-over the bakod. Maraming gawain ang iniyakan ko muna bago ako makadalo, ilang salita na din mula sa pamilya ko ang dumurog sa puso ko at maraming kaganapan sa buhay ko ang nagpalamig sa aking pag-ibig sa Diyos.

***to be continued***
 

Following Jesus :) Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review